Wednesday, August 2, 2017

Kita Kita. (I see you) Reviews.

Kita Kita. (I see you) Reviews.

photo credit to the owner(s)


Kita kita ay isang pelikulang pinagbibidahan ni Empoy Marquez at Alessandra de Rossi and directed by Sigrid Andrea Bernardo under Spring Films and produced by Viva Films.



Trailer:

Trailer pa lang, nahuli na ako ng movie na ito. Paanong hindi, it reminds me of That Thing Called Tadhana noong 2015. Syempre kasama na ang bagong loveteam ng taon - ALEmpoy. Bukod sa Cast, quality ng video, the song and the place, isa sa kumuha ng attention ko is the story line. Ang dami na agad pumasok sa isip ko how the story will go at ano yung surpresa na at the end magiging malungkot din sya. All in all trailer palang naexcite na ako panuorin ang Kita Kita.

Reviews:

Alam ko late na ko to make a review para sa movie na ito kasi kagabi (Aug2,2017) ko sya pinanuod. Hindi ako nagkamali na panuorin ito sa sinehan. It deserves the 260 na binayad ko sa sinehan. Wala akong ibang bukang bibig kundi - Maganda. maganda. mAgaNDa. MAGANDA. As in - MAGANDA.

Story line:

Nagenjoy ako sa buong story. Hindi sya masyadong kumplikado. Ang simple lang ng sequence ng story pero at the end PAK - may ganyan-ganito factor. Sobrang worth it panuorin dahil kakaibang yung ibinigay ng movie sa akin na after effect na gusto ko ulit panuorin. Hindi sya boring, mapapangiti ka lang at mapapatawa sa mga linya ni Tonyo at iiyak dahil may mga bagay ka lang na marerealize sa buong movie.

Actor and Actress:

Ang sarap lang ngumiti sa bawat eksena ni Lea at Tonyo. Ang galing ng pagkakadeliver nila sa bawat eksena. Thumbs Up para kay Alessandra and Empoy. They really shine in this movie. Naramdaman ko bawat emosyon na ipinakita sa character ni Lea, even how Alessandra acted as a blind woman, makikita mo pa rin sa mata nya yung emosyon nya sa ginagalawan nya na character. Syempre para kay Tonyo, in an interview sa tv guesting nila i agree na walang ibang artista ang maaaring magpotray ng character ni Tonyo kundi si Empoy lamang. Napaka natural lang ng acting nya. Nakakatawa ang mga banat nya na tagos din sa puso. At higit sa lahat, minahal ko ang character ni Tonyo ng dahil kay Empoy. All in all. Big thumbs up para kay Alessandra de Rossi and Empoy Marquez, especially sa director and other people behind this movie. Big Thumbs Up and Big Like. Video Quality Naenjoy ko yung quality ng video. Di boring yung pagkakakuha. Sobrang simple at sobrang professional ng dating. Super good quality. Nagustuhan ko din yung setting ng movie captured in Sapporo City sa Japan. Parang gusto ko pumunta dun. Ang ganda kasi ng bawat lugar na pinag-shooting-an nila. Sa bawat captured scene sa movie naappreciate ko yung ganda ng bawat places kasi ang ganda ng video quality. Parang natural na natural lang yung setup ng camera para maipakita ang dalawang taong namumuhay ng ordinaryo sa isang lugar. Kaya Big Big Thumbs up sa mga taong behind the camera.

Lesson:

Life is short. May iba't ibang bagay na pinagdaraanan ang bawat tao. May malungkot. May masaya. How you will respond - depende nalang sa atin yun.

People come and go in our lives. May ilan na dumaan lang. May ibang tumagal. Pero bawat isa may dahilan. May mga taong dumadaan sa buhay natin para magturo ng lesson. May mga taong sasaktan tayo at may mga taong tutulong sa atin to become a better person.

Surprise of life.

May mga surpresa sa buhay natin na dumadating. Ano man ang mga iyon, piliin mo na mag go with the flow lang. Enjoy life. Maaaring surprise na masakit, pero piliin mong tingnan ang mga bagay into a Beautiful perspective. Sabi nga life is a constant change. Sumabay ka lang sa agos ng buhay. Sa takdang panahon makikita mo nalang ang sarili mo na mas matibay kesa noon. Sayawan mo lang ang bawat eksena saan ka man mapunta. Di mo man makita sa ngayon ang dahil, for sure sooner or later makikita mo rin.



Final words:

Kita kita is a movie full of life lesson and surprises. It makes me realize to enjoy life and enjoy every people walking with me in my own journey of life. Kudos to all people behind this movie. It's all worth the time.

Sincerely,

Your dear Diona ❤


No comments:

Post a Comment

WELCOME TO MY PAGE

Hi let me introduce myself.  Im Dionalyn,  people call me.   Diona . Pwede rin diona the explorer (sounds like di ba?). Shy type lang ...